Friday, December 1, 2023
Wednesday, November 29, 2023
Tuesday, November 21, 2023
TANGAN KO’NG AGIMAT NG PUSONG BATUTE
Sukat ang agwat ng ligaya’t hilahil
sa pabalat-bunga ng bawat
taludtod,
at kung sisipatin, halata
marahil
na pinagtugma rin ang
supling at ubod.
Nangagluluksuhan ang luha’t
halakhak
sa himig ng bawat saknong ‘pag
inawit.
Lagaslas ng batis sa gilid
ng galak;
lagablab ng nasa sa bawat
pag-ingit.
Iindak ang puso’t aawit ang
isip.
Liliyad ang malay na ayaw maidlip.
Aahon ang bigo’t ayaw nang
lumusong.
Lulusong ang haring sa
rangya’y nakulong.
‘Pag ako’y tumula, kaiingat
kayo-
gagalaw ang bato’t lalagpak
ang ulap;
ang tugma’t ang sukat sa
pusong binayo –
dagliang titibok, biglang
mangangarap!
Ang kahambugan ko’t pagsalig
sa tula
ay udyok marahil ng
pagkadakila
ng bawat saknong na sinukat,
tinugma-
pangal’bit sa diwa ang bawat
kataga:
tilamsik ng tintang nag-alsa
sa pluma
ni Batuteng noon, inibig
suminta.
Sa panahon ngayong wala nang
bentahe
ang tugma at sukat sa mga
erehe,
paninindigan kong pagdating
sa arte,
panulaan pa rin ang ating
bal’warte.
Walang takot akong lulutang
sa ere.
Sunday, November 19, 2023
SANTONG KAT’WIRAN
(Ang sarili kong pagmumuni sa “El SueƱo de la Razon Produce Monstruos” ni Francisco Goya)
Ang mangarap nga ba ay
pagpapahimlay
sa kat’wirang dapat ay laging
magbantay
sa kisig at tapang nitong
katinuan
laban sa salakay ng
kapabayaan?
Ang paghimlay nga ba ng
santong kat’wiran
ay magiging tulay sa mga
halimaw
na mangaglilingkis sa buhay
na yaman
ng kadakilaang ayaw ring
pumanaw?
Nasaksihan na natin na kapag
winaldas
ang matinong tinig at ang
patalastas
nitong kasaysayang pinanday
sa tuwid,
tayo’y palusong sa laot ng
ligalig.
Kung mahimlay man ang kat’wiran
sa dilim
bumalikwas tayo, kahit
takipsilim.
Tanglawan ang santo’t
luhuran ang nitso
at baka tayo pa ang ipasok dito!
Tuesday, November 14, 2023
NILAMON 'NYO PA RIN ANG 'SINUKA NA NAMIN
sa alok ng hapag na nais mabusog –
ang piging na hain ay suriin muna,
h’wag sanang lamunin ang aming sinuka.
wala sa putahe ang nasang pagpaslang.
Nang malasap na ang tangkang madilim,
agad isinuka ang sinubo namin.
ang sambayanang ang isip ay tumikom.
Kahit masangsang na, panis at maasim,
nilamon ‘nyo pa rin ang sinuka na namin!
karamay pa kami magpahanggang dulo.
Sa hapag, nar’yan ang hain ng nagdaan.
Ma’nong amuyin muna bago lantakan!